BLOGGER TEMPLATES - TWITTER BACKGROUNDS »

falling objects

Hay!!sa wakas natapos nadin ang pagtatanghal namin sa dula.. Naging matagumpay naman ang aming naging pagtatanghal, kaso may kapalpakang nangyari sa pagtatanghal ng aming grupo. Kaiba sa dalawang naunang grupo, naging magulo ang aming pagtatanghal. Ngunit kahit na nagkaganon, natuto naman kami na hindi dapat minamadali ang lahat, dapat may ibayong paghahanda at pag-eensayo, kaya sa susunod alam na namin.
Marami pang mga activity na gagawin namin sa susunod, ngayon nga may mga nakapila na. May pelikula kami na dapat gawin sa isang major namin, may research, nobela at marami pang iba...Hay!!! sadyang napakahirap talaga ng semestre na ito.
Sana sa pagtatapos ng sem na ito, lahat sana kami ay pumasa sa mga subject namin...
At konti nalang, magtatapos na kami...Makakaraos na din...
Salamat sa lahat BRO...alam namin hindi mo kami iniiwan..Salamat din kay GHIANNE ang guardian angel ko...dahil alam ko na sa tuwing nawawala ako sa mood , naiinis at nakakaisip ng di maganda, nandyan sya upang ipa realize sakin ang lahat..at kung ano ang tamang desisyon at tamang gawin...